Monday, September 19, 2016

Pangulong Duterte Bayani ng MilyonMilyong Filipino


Mahirap man o mayaman, kapag si Pangulong Duterte ay nasisilayan, lahat sila ay mapapanganga sa paghanga sa bawat salitang kaniyang binibitawan. Mga salitang hinugot mula sa kaibuturan ng kaniyang puso at isipan na nagpapahiwatig ng pag-asa na isang umaga magigising ang lahat na ang buong paligid ay malinis na, tahimik at kaaya-ayang pagmasdan.

Nguni't sa kabila ng lahat na kabutihang na kaniyang ginagawa para sa ikabubuti ng sambayanang Filipino, ang daming meron - iba't ibang grupo na ang hangarin ay hubaran siya at ipahiya sa buong mundo habang kanilang ipinangangalandakan na ang bansang Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay naging pugad ng patayan ng mga inosenteng mamamayan.

Sila ang grupo ng mga Filipinong hindi sumasang-ayon sa paraan ng pamumuno ng ating pangulo. Kahit mga pari, madre, mga grupo ng "human rights", mga bayarang "journalists" ng mga kilalang media networks ng bansa ay nagpagamit sa mga kumakalaban sa bagong administrasyon. Kahit sa Senado sa pangunguna ni Sen De Lima, Trillanes, Hontiveros, Drillon, Pangilinan kasama si VP Robredo ay lantarang nagpapakita ng kanilang hindi pagsang-ayon sa "War against Illegal Drugs" ni Pangulong Duterte.

Salamat na lang at meron tayong Senador Cayetano, sa Senado na handang ipaglaban ang kabutihan at ang mga magagandang layunin ng pangulo para sa bayan at mamamayan. The above video will tell you kung paano manindigan sa tama si Sen Cayetano.

No comments:

Post a Comment